Ang bilis talaga ng panahon... Nung kelan lang eh... kakatapos ng laban ni Pacquia... Ngayon tapos na ulit ang laban niya Kay Larrios... At ang tagal ko na din hindi nakakapag-update ng Xanga ko...
Dahil sa madami akong ginagawa sa iskwelahan, hindi ko tuloy na uupdate ang blog ko... Buti na lang merong silang tinatawag na "bakasyon". Kaya eto ako ngayon. Nag-uppdate.
Tapos na ang isang taon ko sa kolehiyo, medyo mahirap nga ang buhay dito... At paniguradong mas mahirap daan pa ang tatahakin ko pagdating sa ikalawa kong taon sa pagiging inhinyero..
Ka'y bilis talaga ng panahon, parang kailan lang, naalala ko andito ang mga pinsan ko sa Pinas, kami'y nagtatawanan at nagkukwentuhang masaya... Ngayon, malapit na siyang ikasal.. At panigurado'y ang isa kong pinsa'y malapit na din magtapos ng kolehiyo..
Kay Bilis talaga ng panahon, maraming dumaadaan sa buhay natin at yung iba'y dumaan lang talaga at di na nagtagal pa...
Isa lang ang nais kong iparating..."Ang panaho'y hindi na muling maibabalik pa"
Dahil sa mga panahong ito, madami akong naiisip.. at sari-sarring agam agam ang pumapasok sa isipan ko... Mga pangyayaring pinanghihinayangan ko at mga pangyayaring ikinakatuwa ko...
Nais ko din magpasalamat sa lahat ng mga taong sumusuporta sken.. Ang Mga magulang ko, mga kapatid ko, ang pamilya ko, mga tito,tita, pinsan, lolo, lola, yung aso ko, mga tunay na kaibigan... at para sa iba pa.... kilala nyo na kung sino kayo.
Dahil kung hindi dahil sa inyo... hindi ako makakarating sa pinaroroonan ko ngayon...
Yun lang po. Salamat! |